|
< ‘ > PATAY NA ‘KO?!?!
<. - - .> Ilang beses mo bang gustong marinig ang ‘oo’? Kung may bayad
bawat tanong, mayaman na ko.
< ‘ > Totoong patay na ‘ko???
<. - - .> Bawal magsinungaling dito.
< ‘ > Pero bakit…
< ‘ > Sino’ng…
< ‘ > Paano’ng…
< ‘ > Asaan ako?
< ‘ > Sino ka?
<. - - .> Patay ka na.
<. - - .> Nasa lugar ka ng mga patay.
<. - - .> Receptionist ako sa lugar ng mga patay.
<. - - .> May tanong ka pa?
< ‘ > .
< ‘ > …
< ‘ > ..
< ‘ > Paano na ang mga anak ko?
< ‘ > H-hindi ko naman talaga gustong--
<. - - .> Maayos ang buhay nilang lahat. Nagpakasal ulit ang asawa mo.
Nasa Amerika na ang bunso mo. At kakapanganak lang sa ikatlo mong apo sa
tuhod kanina habang nagsasalita ka.
< ‘ > HUH?!?!
< ‘ > Kakamatay ko pa lang ah?!
<. - - .> Mag-iisang oras ka na dito.
< ‘ > Alam ko!?
<. - - .> Dito… pero sa lupa, higit apat na dekada ka nang patay.
< ‘ > Pa’no nangyari ‘yon?
<. - - .> Ang isang araw dito, isanlibong taon sa lupa. 2049 na. Kung
binabasa mo ‘yung handout na ibinigay sa’yo sa halip na tanong ka nang
tanong, kanina pa dapat malinaw sa’yo ang lahat.
< ‘ > Pero… hindi… niloloko mo ba ko??
<. - - .> Minsan gusto kong sumagot ng ‘oo’ pag tinatanong ako ng ganyan.
< ‘ > Pero… bakit…paano’ng???
<. - - .> Tignan mo.
< ‘ > Ano ‘yan?
< ‘ > …
< ‘ > Huh?
< ‘ > .
< ‘ > !!!
< ‘ > ..
< ‘ > Saan ‘yan?
<. - - .> Sa Pilipinas.
< ‘ > E bakit ganyan ‘yan? Sino ‘yan?
<. - - .> Si Marvin.
< ‘ > Marvin?
<. - - .> Marvin. Marvin Agustin.
< ‘ > ‘Yung artista? Matanda na? Ano’ng ginagawa n’ya dyan?
<. - - .> Presidente s’ya ng bansa mo.
< ‘ > Huh?!!!
<. - - .> Ayos naman ah! Gusto nga s’ya ng mga tao e.
< ‘ > E sino ‘yan--asawa n’ya?
<. - - .> Saan?
< ‘ > Ayan, sa kanan.
<. - - .> Ah, vice president ‘yan.
< ‘ > Sino’ng naging vice president??
<. - - .> Si Tootsie Guevarra. ‘Yung magaling kumanta.
< ‘ > Huh?!?
<. - - .> Anong “huh?!?”? Ayos nga sila e. Inahon nila ang ‘Pinas sa
kahirapan.
< ‘ > Ano’ng ibig mong sabihin?
< ‘ > Nasaan na si GMA?
<. - - .> Matagal nang wala si Macapagal.
<. - - .> 2049 na. Wala nang utang ang Pilipinas sa ibang bansa!
< ‘ > Talaga?
<. - - .> Hay nako! Wala ka pala talagang alam e.
< ‘ > Bakit, ano pa ba ang mga nangyari?
<. - - .> Balik na ulit ang Pilipinas sa mapa. Mayaman at respetado na
ulit ang bayan mo.
< ‘ > Talaga? Hehe….
<. - - .> Oo, ang ingay mo kasi kanina e… di ko nga masyadong
naintindihan yung speech ng Papa sa Roma… papapanoorin dapat kita.
< ‘ > O, may ano?
<. - - .> Pilipino ang bagong Papa.
< ‘ > Huh?
<. - - .> Nanonood ka ba ng MTV?
< ‘ > Hindi.
<. - - .> Ng That’s Entertainment?
< ‘ > Hindi rin. Bakit?
<. - - .> E hindi mo pala kilala.
< ‘ > Sino?
<. - - .> ‘Yung bagong Papa.
< ‘ > Ano ba’ng pangalan?
<. - - .> Pope Rose I
< ‘ > Sinong Pope Rose I?
<. - - .> Hindi ‘yon ang totoo n’yang pangalan, pero artista s’ya dati.
<. - - .> Donita Rose yata ang screen name n’ya e.
< ‘ > Si Donita Rose??? ‘Yung VJ—naging pope?!
<. - - .> Oo—galing, ‘no?
<. - - .> Nga pala, alam mo bang pwede na ngayong mag-asawa ang pare?
< ‘ > Huh?
<. - - .> Pwede na, basta madre ang mapapangasawa, para hindi raw
lumabas ang pera ng simbahan. Ayos, no?
< ‘ > Ganyan na ba ngayon sa lupa?
< ‘ > Hmmm….
< ‘ > Pero kung tutuusin, okay!
<. - - .> Oo naman!
< ‘ > Sandali, wala na bang krimen?
<. - - .> Nabawasan, kahit papa’no. Nakikita mo ‘yang babaeng nasa tabi
ng driver?
< ‘ > Alin?
<. - - .> ‘Yan, yung nasa jeep na neon.
< ‘ > O, ano? …Ayos ‘yung jeep ah!
<. - - .> Nakikita mo ‘yung hawak n’yang cellphone?
<. - - .> XC90 ‘yan!
< ‘ > Ano’ng XC90?
<. - - .> ‘Yan ang cellphone ngayon ng masa. May laser gun ‘yan, at
protektado ng magnetic shield ang may-hawak.
< ‘ > Hahaha… tangna, astig! *Tanging Yaman*
<. - - .> Tsaka nakita mo ‘yung mga naka-barong kanina na walang kamay?
< ‘ > Oo.
< ‘ > Itatanong ko nga dapat sa’yo kung bakit gano’n e.
<. - - .> Mga kongresman ‘yun na nangupit sa kaban ng bayan.
< ‘ > Huh?!
<. - - .> Oo, pinuputulan kasi ng kamay ang mga corrupt officials para
hindi na umulit. Okay nga e.
< ‘ > Kelan pa?
<. - - .> ‘Tagal na ‘yon… panahon pa ni President Sin ‘yon e.
< ‘ > Si Sin? –Yung Cardinal???
<. - - .> Oo… bakit? Gusto ko nga ‘yun e. Magaling din. Pinagawan
n’ya pa ng replica ‘yung Bundok Banahaw sa Nayong Pilipino.
< ‘ > Bundok Banahaw?
<. - - .> Oo.
<. - - .> Ay! Oo nga pala, hindi mo alam…wala na kasi ‘yung bundok
banahaw. Banahaw Mall na ngayon. Hahaha!
< ‘ > Ginawang mall?!? Sira ba ulo nila? …Ba’t natatawa ka pa?!
<. - - .> Wala rin kasing nangyari e, hindi rin naman kumikita ‘yung
mall.
< ‘ > Syempre, sino namang gago ang matutuwa sa ginawa nila?! *Tanging
Yaman*
<. - - .> Huh? Hindi, natutuwa ang mga tao sa ginawa nila, kaya nga
lang wala nang namamasyal sa malls ngayon dahil puro TV na lang ang
pinagkakaabalahan ng mga tao.
< ‘ > TV? Ano’ng meron?
<. - - .> Telenovela.
< ‘ > Huh? MERON PA RING TELENOVELA HANGGANG NGAYON?
<. - - .> Uy, mas magaganda na ngayon ang mga telenovela kesa nung
kapanahunan mo: Nasa Puso Ko, Ikaw Ay Akin, Mahal Na Mahal, Tayo Ay
Iisa, Mahal Kita, Sa Piling Mo, Ang Mahalin Ka, Lumayo Ka Man, Tunay Na
Mahal, Tayong Dalawa, Mahalin Mo Ako, Tanging Ikaw Lang, Pagmamahalan
Natin, Ikaw At Ako… nakalimutan ko pa ‘yung iba e, pero maganda mga
kwento n’yan!
< ‘ > ‘Yan ang mga programa ngayon? ARAW-ARAW?!?!
<. - - .> Araw-gabi. Saya nga eh!
< ‘ > Walangya! *Tanging Yaman*
< ‘ > Ano ba ‘yan… bakit laging tumutugtog ‘yung Tanging Yaman? Kanina
ko pa naririnig ‘yan e, paulit-ulit!
< ‘ > At saka nagkakalimutan, marami akong tanong sa’yo ah, bakit ayaw
mong sagutin?
< ‘ > At sino ka ba???
<<
HOME
>>

|